^

Pang Movies

Last wish ni Kuya Germs, hindi pa rin natutupad!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang taping sa Tuesday ng Kuya Germs Tribute: The Master Showman’s Final Bow.

Ang special na ito ng GMA 7 ay para sa huling pagpupugay kay German Moreno na yumao na noong January 8.

Magpa-participate sa special event na ito ang maraming mga artistang natulungan ni Kuya Germs.

May production numbers din na mapapanood na siyang gustung-gusto ni Kuya Germs na ginagawa ng kanyang mga alaga noong nabubuhay pa siya.

Sa Friday (February 26), 10:00-11:00p.m., mapapanood sa Kapuso network ang special na ito.

Ang dinig ko, ipi-preempt nila ang airing ng Bubble Gang sa gabing ‘yon to give way sa special tribute sa namayapang TV host/producer/comedian/star builder.

Samantala, nakausap ko kahapon si John Nite, ang pamangkin ni Kuya Germs at kumuha ako sa kanya ng update sa dapat sana ay 20th anniversary show ng Walang Tulugan with the Master Showman na ang unang plano ay gawin sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Noon pa plinano ni Kuya Germs ang anniversary show na ‘yon at ayon kay John, last wish ‘yon ng kanyang uncle bago tuluyang yumao.

Dapat ay noong February 11 ang taping pero maraming artists na hindi available at hindi pa masyadong maayos, kaya hindi na muna itinuloy.

Ayon kay John, itutuloy pa rin nila ‘yon, pero hindi na ie-ere pa ng GMA 7. Special show na lang daw ‘yon para lang matupad ang last wish ng kanyang Uncle German.

Ikinuwento rin ni John na magkakaroon ng German Moreno Foundation at uupo siya sa board kasama ang ilang mga malalapit kay Kuya Germs para ipagpatuloy ang mga proyektong nasimulan na ng Master Showman katulad ng Walk of Fame sa Eastwood.

Marami pa rin daw silang mga plano bilang pagpupugay na rin sa namayapang Master Showman!

Annabelle suportado ang pakikipagbalikan ni Eddie sa ex

Ang guesting kahapon ni Eddie Gutierrez sa Eat Bulaga bilang si Anselmo, ang ex-boyfriend ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Maraming natuwa sa guesting na ‘yon ni Tito Eddie, pero marami rin ang nalungkot dahil umalis din ang character niya.

Sa istorya kasi, dating boyfriend ni Lola Nidora si Anselmo at nagkasakit ang huli at ang naging kundisyon ng nanay ng una ay ipapagamot ito, pero kailangang sumama ni Nidora sa Amerika sa kanyang nanay.

Nang gumaling si Anselmo, sinundan nito sa Amerika si Nidora, pero hindi niya ito nahanap hanggang makapag-asawa’t magkaroon na rin siya ng mga anak.

Pero dahil biyudo na, umuwi ng ‘Pinas si Anselmo para hanapin si Lola Nidora at nagkita nga sila kahapon, pero ayaw namang madaliin kaagad ni Anselmo ang lahat, kaya babalik siya sa Amerika at araw-araw na lang tatawagan si Lola Nidora.

After ng guesting na ‘yon, nakausap ko si Tito Eddie at inaming nag-enjoy siya.

Kung sakali raw na pababalikin siya ng Eat Bulaga bilang si Anselmo ay willing na willing daw siya.

Masaya raw pala na mapabilang sa istorya ng kalyeserye.

Natawa nga pala si Tito Eddie nang sabihin ko na pati ang misis niyang si Annabelle Rama ay kinilig sa kanilang dalawa ni Lola Nidora.

Actually, pabor si Bisaya na magkabalikan ang dalawa.

Teka! Paano kaya kung totoong babae talaga ang gumaganap na Lola Nidora at hindi si Wally Bayola, maging pabor din kaya si Bisaya?

“Grabe ka! Hindi na uso sa akin ‘yung selos-selos ngayon!” reaksyon naman ni Bisaya.

Well…

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with