^

Para Malibang

Umaasa sa suwerte sa lotto

IDAING MO KAY VANEZZA - The Philippine Star

Dear Vanezza

Sumulat po ako dahil gusto kong malaman kung ano ang kapalaran ko. Tatama po ba ako sa lotto? Matagal na akong tumataya, siguro’y mahigit 10 taon na pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong suwerte. Kahit man lang palit-tiket ay hindi ko matiyempuhan. Sa ngayon po ay wala akong trabaho. Ako po ba ay  sadyang malas o talaga lang wala akong suwerte? Dapat pa ba akong tumaya sa lotto? - Kojak

Dear Kojak,

Ang lotto ay game of chance, ibig sabihin suwertihan. Kahit isang beses ka lang tumaya kung suwerte mo ay ikaw ang mananalo. Meron ding inabot ng kung ilang taon bago sila pinalad. Pero ang kapalaran o suwerte ng tao ay hindi dapat iasa lang sa pagtaya ng lotto o sa anumang sugal. Maaari ka namang humanap ng ibang pagkakakitaan. Kahit tumataya ka ay sabayan mo rin ng pagsisikap upang umunlad ang iyong buhay. Walang taong malas. Basta’t may sipag at tiyaga lang ikaw ay magtatagumpay. Higit sa lahat, manalangin ka sa Dios na dumating din ang suwerte sa’yo upang mag-iba naman ang takbo ng iyong buhay.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANG

DAPAT

DEAR KOJAK

DEAR VANEZZA

DIOS

HIGIT

KAHIT

KOJAK

MAAARI

MATAGAL

MERON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with