Airport manager todas, misis, sugatan sa ambush
MANILA, Philippines – Isang manager ng Clarkfield Airport Corporation ang nasawi habang ang misis nito ay nasugatan nang sila ay pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem kahapon ng umaga sa Sta. Ignacia, Tarlac.
Ang nasawing biktima ay kinilalang si Engineer Ruel Angeles, Department Manager ng Engineering Services and Maintenance Department ng Clarkfield Airport Corporation sa Pampanga. Habang ang misis nito na si Crusencia ay nasugatan.
Sa ulat, bandang alas-7:40 ng umaga ay kalalabas lamang sa isang coffee shop sa Brgy. Paladapa, Sta. Ignacia ang mag-asawa nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem suspects at pinagbabaril ang mag-asawa.
- Latest