^

Probinsiya

Shootout: 2 karnaper bulagta

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - – Bulagta ang dalawa sa tatlong kalalakihan na sinasabing mga notoryus na motorbike thieves habang sugatan naman ang isang pulis matapos sumiklab ang bakbakan sa Barangay Burol 2nd, bayan ng Balagtas, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay habang pinaghahanap naman ang isa pang kasamahan.

Sugatan naman si PO3 Jonar Azarcon, 32, nakatalaga sa Balagtas PNP matapos na tamaan sa kaliwang bahagi ng katawan.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina, hinarang at tinutukan ng baril ng mga suspek ang 38-anyos na misis na nagmomotorsiklo pagsapit sa P. Castro Street, Barangay Longos.

Tinangay ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima na hindi na nanlaban sa takot na mapatay suba­lit kaagad naman itong humingi ng tulong sa pulisya.

Kaagad naman namataan ng pulisya ang mga suspek kaya tinangkang pahintuin sa inilatag na checkpoint subalit pinutukan sila kung saan tinamaan si PO3 Azarcon.

Dito na sumiklab ang bakbakan hanggang sa mapatay ang dalawang karnaper.

Narekober sa dalawa ang cal.38 revolver, personal na gamit ng biktima at ang motorsiklong kinarnap.

vuukle comment

AZARCON

BALAGTAS

BARANGAY BUROL

BARANGAY LONGOS

BULACAN

CASTRO STREET

FERDINAND DIVINA

JONAR AZARCON

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with