^

Bansa

PNP may bagong uniform

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Irarampa na ng Philippine National Police (PNP) ang bagong uniporme ng mga pulis na nagtataglay ng “security features” na mahirap umanong magaya ng mga kirminal.

Sinabi ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac na hinihintay na lamang ng PNP ang pag-aapruba ni Napolcom at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas upang maisuot na ng mga opisyal at miyembro ng PNP ang kanilang mga bagong uniform.

Sa kabila ng pamimintas na mukhang MMDA at parang sa konduktor ng bus ang bago nilang uniporme, sinabi ng opisyal na ipinagmamalaki ng kapulisan ang bago nitong uniporme na mapusyaw na asul ang pang-itaas at asul rin sa pang ibaba.

Sinabi ni Sindac na dumaan sa masusing pagsusuri, proseso at inirampa pa ito ng mga pulis ng ilang beses saka pinili ang nararapat na bagong uniporme sa kanilang hanay.

Bukod dito ay magkakaroon din ng bagong patrol uniform ang PNP na sumasailalim pa sa konting pagsasaayos.

Ang pondo para sa bagong sets ng uniporme ay hinugot sa clothing allowance ng PNP personnel kada tatlong taon.

vuukle comment

BAGONG

BUKOD

CHIEF SUPT

IRARAMPA

NAPOLCOM

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REUBEN THEODORE SINDAC

SINABI

SINDAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with