^

PSN Showbiz

Malala ang sakit aktor na hindi mahagilap, nahihirapan na raw magmemorya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Worried ang fans ng isang aktor na missing in action dahil sa balita na may karamdaman siya.

Hindi naman malaman ang tunay na nangyari sa aktor dahil hindi nga ito mahagilap, pero may mga nagsasabi na nakikita siya sa iba’t ibang lugar.

Nag-aalala ang mga tagahanga ng aktor dahil nabalitaan nila na hirap na siya na magmemorya at ito raw ang isa sa mga dahilan kaya walang project na ibinibigay sa kanya ang home studio niya.

Hindi uso sa showbiz ang mga secret. Lumalabas ang mga katotohanan, sa ayaw at sa gusto ng mga sangkot na artista. Hintayin na lang natin ang pag­lantad ng aktor dahil siguradong sasagutin nito o ipasasagot sa kanya ang misteryo na bumabalot sa pagpapahinga niya sa showbiz.

Janine at Elmo tapos na ang pagsasama

Ngayong hapon ang ending ng Villa Quintana ng GMA 7. Happy ending ang inaasahan ng fans nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa pag­wawakas ng afternoon teleserye nila na naging instrument para magkalapit sila at magkaroon ng relasyon.

Mas demonstrative at expressive si Elmo sa tunay na nararamdaman nito para kay Janine na ngumingiti lang kapag tinatanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang leading man.

Malakas ang hatak sa fans ng loveteam nina Elmo at Janine. Malamang na masundan ang television project nila.

Magpakailanman nina LT at Renz may Twitter party

Twitter party ang uso ngayon bilang in na in ang social media. Una kong narinig ang Twitter party mula sa Gutierrez siblings noong ipino-promote nila ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

May Twitter party din ang fans ng mag-inang Lorna Tolentino at Renz Fernandez dahil iniimbitahan nila ang lahat sa Twitter party para sa episode ng Magpakailanman na mapapanood bukas sa GMA 7.

 Mag-inang Aborsyonista  ang pamagat ng episode ng Magpakailanman at para mag-trending ito, may Twitter party ang fans nina LT at Renz. Magaganap daw ang Twitter party habang umeere sa TV ang Magpakailanman.

Showbiz mag delayed, waiting sa anak nina Richard at Sarah

Sinadya ng publisher ng Inside Showbiz magazine na i-delay ng isang linggo ang distribution sa market ng June issue dahil hihintayin nila na ipakita muna sa It Takes Gutz to be a Gutierrez sa Linggo ang hitsura ng anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

Ang mag-anak ang cover ng June issue ng magazine at masyado nang matatagalan kung sa susunod na buwan pa ilalabas ang kanilang cover pictorial.

May kontrata sa Mega Publishing Inc. ang Gu­tierrez family dahil co-producer ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang publisher.

Kasama sa agreement na ang mga magazine ng Mega Publishing Inc. ang unang maglalabas ng litrato ng anak nina Sarah at Richard.

It Takes… record breaking ang rating

Maligayang-maligaya ang Gutierrez family dahil ibinalita sa kanila ng E! Asia na mataas ang rating ng pilot episode ng r­eality show nila na napanood sa 20 countries.

Gumawa raw ng history sa E! ang It Take Gutz to be a Gutierrez dahil ngayon lamang sila nagkaroon ng  reality show na pilot telecast pa lang, mataas agad ang ra­ting.

Inaasahan ng E! Asia management na malalampasan ng second episode ang premiere episode ng It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil marami ang nag-aabang na makita ang hitsura ng baby boy nina Sarah at Richard. Confident sila na mas mataas ang rating ng second episode ng reality program ng mga Gutierrez.

 

vuukle comment

DAHIL

ELMO

GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

JANINE

MAGPAKAILANMAN

MEGA PUBLISHING INC

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with