^

Pang Movies

Na-pressure, Paolo pinagpawisan kay Marian

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Damang-dama ni Marian Rivera ang tindi ng init noong sumama sa grupo ng sugod bahay ng Eat Bulaga. Si Marian pa ang driver ng sasakyan nila papuntang nanalo sa Sugod bahay. Bagong masa queen talaga ang dating ni Marian sa mga tao. Sumama si Yan-yan sa grupo dahil sobrang iyakan ang inaabot nila ni Alden Richards sa nagtapos na Carmela. Halos araw-araw, kailangan nilang umiyak. Well, nakatulong kay Marian ang pagsama sa grupo dahil kahit paano nabawasan ang masamang kondisyong nadarama tuwing iiyak sa eksena.

Pinagpawisan naman nang todo si Paolo Ballesteros noong kunwaring utusan siyang ligawan si Marian, katulad ng ipinagawa sa mag-asawang nanalo na sina Aling Tolya at Mang Benito dela Cruz. Bagay ang dalawa, kaya lang palasak na hindi humahanga si Paolo basta girl ang ka-eksena. Kailangan kasing i-maintain niya ang pakulo ng Eat Bulaga na kunwari ay bading siya. Nakakatuwa namang malaman na ibinigay ni Marian ang kanyang relos noong matipuhan ng babaeng matagal nang may pangarap na magkarelos ng maganda. Minana pa raw kasi sa yumaong ina ang suot-suot nitong relos. Inunahan din ni Yan Yan ang pagbibigay ng puhunan sa negosyo para sa mag-asawa na dadalhin sa probinsya. Si Marian ang napiling Best TV star of the Year sa kagagananap na PEP list awards.

Ryzza Mae at Mona Louise dapat pagharapin

Mistulang nag-concert naman ang GMA young stars na sina Mona Louise Rey at Miggs Cuaderno, noong  mag-guest sila sa Jaen Got Talent na ginanap sa Jaen, Nueva Ecija sa proyekto ng butihing Mayor Santi Austria. Nakatakdang magbigay ng two hundred na bisikleta si Mayor para sa mga mahihirap na nagbubuhat pa sa malalayong lugar, makapag-aral lang. Kahit paano nga naman, may magagamit na bisikleta ang mga bata sa pasukan ng mga estudyante.

Bumirit si Miggs kasabay si Julia Chua ng kanilang numbers sa pagkanta na pinalakpakan ng mga nanonood sa naturang pa contest. Hindi naman nagpatalo si Mona Louise at inawit ang Let It Go. Mistulang nag-concert sina Mona Louise at Migss sa naturang event. Sa tuwa ni Mayor, binigyan niya ng bike si Miggs. Tuwang tuwa ang bata dahil matagal na pala niya itong pangarap. Magkasama sila ni Mona Louise sa teleserye ng GMA na maganda ang team-up ng dalawa at kinagat ng mga tagahanga. Sa Cebu City at Cagayan de Oro naman ang kanilang susunod na mga shows.

Si Mona Louise ang dapat itapat ng GMA kay Ryzza Mae Dizon. Subukan nilang gawan ng segment ang dalawang bagets sa Eat Bulaga. Magandang dalawang bata naman ang pag-usapin.               

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALING TOLYA

EAT BULAGA

JAEN GOT TALENT

JULIA CHUA

LET IT GO

MANG BENITO

MONA LOUISE

SI MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with