^

Probinsiya

Bading nagpanggap na babae ginilitan sa diskuhan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakikipaglaban kay kamatayan ang 22-anyos na bading na sinasabing nagpanggap na babae matapos itong gilitan ng kanyang ka-eye ball na lalaki sa diskuhan sa Barangay Buenavista, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng madaling araw.

Naisugod naman sa Cristino Paragas Memorial Hospital ang biktimang si Leonard Cape habang pinaghahanap naman ang suspek na pansamantalang hindi tinukoy ang pagkaka­kilanlan.

Naganap ang insidente sa loob ng bisinidad ng Buenavista Elementary School campus kung saan ginaganap sa covered court ang diskuhan.

Nabatid na nakipag-eyeball ang biktima na nagpanggap na babae sa suspek kung saan nagyaya naman makipag-date at dumalo sa diskuhan sa nasabing lugar.

Dahil madilim ay hindi napansin ng suspek na bading ang ka-date kaya niyaya nito ang biktima sa ilalim ng puno kung saan magkahawak-kamay pa ang dalawa na pansamantalang umalis sa diskuhan.

Gayon pa man, habang pinaghahalikan ng suspek ang biktima at hinipo ang maselang bahagi ng katawan ay nadiskubre nitong napeke siya at hindi babae ang ka-date kaya sa matinding galit ay ginilitan ito ng ilang beses.

vuukle comment

BARANGAY BUENAVISTA

BUENAVISTA ELEMENTARY SCHOOL

CRISTINO PARAGAS MEMORIAL HOSPITAL

DAHIL

GAYON

LEONARD CAPE

NABATID

NAGANAP

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with