^

Police Metro

Anak na pumatay sa ama, hanap ng PNP

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang 44-anyos na anak na pumatay sa kanyang sariling ama sa Las Piñas City noong Setyembre 11, 2013.

Ayon kay Sr. Supt. Albert Ferro, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, ikinukonsidera nilang armado at mapanganib si Nelson Bermejo Antonio.

Si Nelson ay siyang sinasabing suspek sa pagpatay sa kanyang sariling ama na si Antonio Pabalan Antonio, alyas ‘Apa,’ na binaril umano sa kabila ng pagmamakaawa ng biktima.

Inatasan na ang mga miyembro ng PNP-CIDG at ng PNP Task Force Tugis para dakpin ang suspek makaraang magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya si Judge Rolando G. How ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 257.

 Nag-alok na rin ang mga kaibigan at mga tagasuporta ng pinaslang na negosyante ng P300,000 cash reward para sa anumang impormasyon na makapagtuturo sa kinaroroonan ng batang Antonio.

Anumang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspek ay maaari umanong itawag sa mga nume­rong (Smart) 0947-3010426 o (Globe)0906-4940710 at tiniyak na hindi nila ibubunyag ang pagkakakilanlan ng tipster.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong parricide nang walang awa nitong patayin ang sariling ama sa loob ng bahay nito sa 118 Concha Cruz Drive, BF Executive Homes, Las Piñas City.

vuukle comment

ALBERT FERRO

ANTONIO PABALAN ANTONIO

CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EXECUTIVE HOMES

JUDGE ROLANDO G

LAS PI

NELSON BERMEJO ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with