^

Bansa

Vest na may plate number ng mga naka-motorsiklo kinontra sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines - Kinontra ni Senator Ramon ‘’Bong’ Revilla Jr. ang panukala na gawing mandatory ang pagsusuot ng vest na may nakatatak na plate number ng lahat ng mga naka-motorsiklo

Bukod sa vest, nais ding palagyan ng sticker ng plate number ng motorsiko ang likod ng helmet upang madaling makilala ang mga kriminal na nasasangkot sa tinatawag na “riding-in-tandem” sa buong bansa.

Ayon kay Revilla, kung susuriin ay delikado ang panukala dahil maaari rin naman gumamit ng peke o nakaw na vest na may plate number.

“Delikado ‘yan kasi baka gamitin ng kriminal yug nakaw na vest o pekeng vest na my plate number na iba tapos gamitin sa krimen, kawawa naman ‘yung walang kasalanan,” sabi ni Revilla.

Ang panukala ay isinusulong ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Richard Albano at inaasahang ipa­tutupad sa Quezon City.

Suportado rin ang pa­nukala ni QC Mayor Herbert Bautista na nag-donate na ng daan-daang vests sa kanilang mga riders partikular sa mga empleyado ng City Hall.

Layunin ng panukala na masawata ang krimen na kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem.

Sinabi ni Revilla na tutol siya sa panukala at sa halip ay dapat pag-ibayuhin ng pulis ang kanilang trabaho katulad ng paggamit ng mga mobile cars sa pagpapatrol, pagsasaayos ng mga communication system at paggamit ng motorsiklo para mabilis na makatugon kapag may nagaganap na krimen.

vuukle comment

CHIEF SUPT

CITY HALL

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REVILLA

REVILLA JR.

RICHARD ALBANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with