Laya, binabaan na rin ang bayad sa sinehan

Ibaba na rin ang bayad sa sine ng pelikulang Laya ni Andrea Brillantes.
Sa pelikulang ito nagwagi si Andrea ng Best Acting Performance sa 2026 Women and the World International Film Festival (WWIFF) sa London kaya sana nga ay mas marami ang makapanood.
Ang rate ay P275 sa Metro Manila (MM), habang P230 outside MM.
Malaking bagay ito upang mas maraming makapanood.
Ginampanan ni Andrea ang papel ni Sab, isang babaeng dumating sa isang tahimik na bayang nasa tabi ng dagat dala ang iisang layunin: ang maghiganti kay Tuki, ginampanan ni JC Santos.
Si Tuki ay isang dating bilanggo na itinuturing ni Sab na may pananagutan sa pagkamatay ng kanyang ama.
Bilang bahagi ng kanyang plano, lumapit si Sab kay Tuki upang magkaroon ng ugnayan sa kanya—isang hakbang para makapaghiganti. Ngunit habang lumalalim ang kanilang ugnayan, unti-unting nalilihis ang kanyang misyon.
Naiipit siya sa kagustuhang maghiganti at sa hindi inaasahang pag-usbong ng awa.
Nauna nang naikuwento ni Andrea na feeling niya kakainin siya ng whale shark habang sino-shoot ang Laya.
- Latest























