‘Twin Towers’ ikakasa ng Bolts vs GSM
MANILA, Philippines — Si 6-foot-9 rookie Brandon Bates ang ipapares ng Meralco kay 6’7 Raymond Almazan sa pagsagupa sa Barangay Ginebra sa semifinals series ng Season 48 PBA Philippine Cup.
Sina Bates at Almazan ang ibabangga ng Bolts kina 6’8 Fil-German Christian Standhardinger at 6’8 Japeth Aguilar ng Gin Kings sa kanilang best-of-seven semis showdown.
“I think we really need him against Ginebra,” sabi ni Meralco coach Luigi Trillo kay Bates. “You see what Standhardinger is doing, you have Japeth there. We need another big to help Raymond (Almazan). Malaking bagay si Brandon moving forward.”
Kinumpleto ng Bolts ang two-game sweep sa NLEX Road Warriors sa kanilang best-of-three quarterfinals wars.
Nauna nang sinibak ng Gin Kings, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals bilang No. 2 team, ang Magnolia Hotshots, 99-77.
Sa nasabing panalo ng Ginebra sa Magnolia ay humakot si Standhardinger ng 36 points, 11 rebounds at 5 assists.
Umaasa si Trillo na kayang pigilan ni Bates, ang kanilang first round pick noong nakaraang PBA Draft, si Standhardinger.
- Latest