^

Metro

Dog owner, todas sa rider!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dog owner, todas sa rider!
Naisugod pa sa pagamutan ngunit nasawi rin ang 36-anyos na biktima dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.
File photo

Alaga nangagat ng bata

MANILA, Philippines — Isang dog owner ang nasawi nang mabaril ng isang lalaki na sumaklolo lamang sa isang bata na kinagat ng kanyang aso sa Paco, Maynila, nabatid kahapon.

Naisugod pa sa pagamutan ngunit nasawi rin ang 36-anyos na biktima dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Tumakas naman ang suspek at pinaghahanap na ng mga otoridad.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), naganap ang insidente pasado hatinggabi sa 4th Street, Paco, sakop ng Barangay 810.

Nauna rito, makikita sa kuha ng isang CCTV na may dalawang batang nagbibisikleta ang hinabol ng aso na pagmamay-ari ng biktima.

Nabuwal umano ang bisikleta ng isa sa mga bata kaya’t bahagya itong nakagat ng aso.

Nagawa naman ng isa pang bata na makaakyat sa ibabaw ng isang kotse upang hindi siya maabot ng aso.

Dito na dumating ang suspek, na ­nakamotorsiklo na napadaan sa lugar at tinulungan ang bata at dumating din ang mga barangay tanod at tumulong.

Magkakasama rin umano nilang pinuntahan ang may-ari ng aso upang impormahan sa pangyayari.

Ayon sa barangay tanod, maayos na sana ang usapan ngunit nang maiwan ang suspek at biktima na bahagyang nakainom ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at pagtatalo ang mga ito.

Nauwi umano ang pagtatalo sa suntukan na tinangka pang awatin ng mga tanod.

Ayon sa tanod, tinangka umanong saksakin ng biktima ang suspek, kaya’t napilitan itong magbunot ng baril at pinaputukan ito bago tumakas.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with