^

Probinsiya

P100K reward vs. killers ng ex-aide ni Mayor Olaso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nag-alok na si Zam­boanga City Ma­yor Khymer Olaso ng P100,000 cash reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga salarin na sangkot sa pagpatay sa kaniyang dating Executive Assistant na nasawi sa ambush-slay sa kanilang lungsod. 

Ang dating Executive Assistant ni Olaso na si Vivencio “John” Villasan Cruz, 51-anyos ay tulu­yang binawian ng buhay nitong Martes ng gabi sa tinamong mga tamang bala sa katawan ilang oras matapos naman ang pananambang dito sa bypass road sa Brgy.

Lunzuran, Zamboanga City.

Sinabi ni Olaso na ang P100,000 reward ay mula sa kaniyang personal na pera na naglalayong mapabilis ang pagresolba sa kaso ng pagpatay sa dati niyang Executive Assistant.

Kasabay nito, sinabi ni Olaso na ang biktima ay nakakatanggap ng mga pagbabanta sa kaniyang buhay mula sa hindi nagpakilalang mga suspect.

Nabatid na ang biktima ay hindi na nagtatrabaho sa City Admi­nistrator Office matapos itong magretiro na noong nakalipas na Oktubre.

Binigyang diin ni Olaso na nakikipag-ugnayan na rin siya sa mga awtoridad upang mabigyang hustisya ang sinapit ng biktima.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito upang matukoy ang motibo ng krimen at masakote ang mga suspect.

REWARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with