Atasha, itinanggi si Jacob Ang!

Pagkatapos ng matagumpay na unang pagsabak ni Atasha Muhlach sa musical stage play na Bongga Ka Day, The Annie Batungbakal Musical, babalik siya sa Eat Bulaga.
Kasama nga si Atasha sa grupo ng Eat Bulaga na dumalo sa Tara Sa Paskong Kapatid : TV5 Thanksgiving 2026 na ginanap Grand Hyatt Manila Ballroom last Monday.
At game na game siya sa song and dance numbers ng Dabarkads na nagpasaya sa mga dumalo.
Doon din nakausap si Atasha ng mga nag-cover na writer at game siya sa lahat ng tanong.
Tulad sa kanyang lovelife. Sinasabing siya ang girlfriend ni Jacob Ang, anak ng bilyonaryong si Ramon Ang. Pero mabilis ang sagot ni Atasha na wala siyang lovelife sa kasalukuyan dahil naka-focus siya sa kanyang career.
May mga naka-line up na raw siya sa 2027, pero hindi pa pwedeng sabihin sa kasalukuyan.
Sa ngayon ay thankful siya na isang malaking tagumpay ang pagganap niya bilang si Annie Batungbakal sa kabila nang pagdagsa ng bashers bago pa siya napanood.
“Actually, mas gusto kong mag-focus sa positive lang palagi. Keep my head down, and work hard lang talaga, and always be nice to the people. Ang sabi lang nila (Aga and Charlene), just hold on to the truth, and you know your truth naman. So you just always be kind to everybody,” aniya tungkol sa bashers.
Dagdag pa niya : “Sa totoo lang, happy lang ako na I was able to create such great and happy memories. Focused lang po sa positive lang po.”
“Sobrang grateful din po ako, kasi `yung BKD family, talagang grabe encouragement, ‘yung support, and great, great memories that I will forever cherished.
“Dahil sa kanila, actually I was able to really enjoy this whole process, and enjoy the process of theatre and for that, I’m really grateful po talaga,” dire-diretso kuwento ni Atasha tungkol sa mga nakasama niya sa nasabing musical play na almost two months ding napanood sa Newport Performing Arts Theater.
At inulit niya na friends lang sila ni Jacob. Ilang beses na rin silang spotted na magkasama. “Ay, friends lang po! Friends lang po talaga. Eversince po, very-very good friends lang po!”
In fact, super single raw siya.
- Latest




















