^

Police Metro

Perimeter security sa ASEAN summit, lalong hihigpitan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Christopher Abrahano ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga itinalagang security perimeter sa mga lugar na pagdarausan ng ika-49 ASEAN Summit mula November 16–18, 2026.

Layon nitong matiyak na t­anging mga otorisadong indibidwal at sasakyan lamang ang makapapasok sa mga restricted area.

Binigyang-diin ng hepe ng NCRPO na dapat na tuluy-tuloy, pare-pareho, at propesyonal na ipatupad ang mga security checkpoint, exclusion zone, at proseso ng beripikasyon ng pagkakakilanlan upang maiwasan ang hindi otorisadong pagpasok, matukoy ang mga kahina-hinalang aktibidad, at mapangalagaan ang mga dayuhang delegado, kalahok sa summit, at publiko.

Inatasan niya ang mga tauhan ng pulisya na masusing beripikahin ang mga dokumento ng pagkakakilanlan, kredensyal, at mga pahintulot sa paggamit ng sasakyan, habang pinananatili ang mahigpit na koordinasyon sa mga security team ng mga pagdarausan at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang wastong pagpapatupad ng mga restriksyon sa pagpasok.

ASEAN

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with