Ombudsman ‘susugod’ sa Payatas Jail

MANILA, Philippines — Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magsasagawa ang kanyang tanggapan ng mga sorpresang pagbisita sa Quezon City Male Dormitory sa Payatas upang matiyak na naroroon ang mga persons deprived of liberty (PDLs).
Ginawa ni Remulla ang pahayag kasunod ng mga ulat tungkol sa umano’y lihim na paglabas at pagpasok ni detained Leyte Congressman Martin Romualdez sa naturang piitan.
Aminado ang Ombudsman na nababahala siya matapos lumabas ang naturang impormasyon at binigyang-diin na walang dapat makatanggap ng espesyal na pagtrato sa loob ng kulungan.
“Susugod lang ako ro’n basta’t walang warning. Ako mismo pupunta ako ro’n,” ani Remulla.
Nakakulong si Romualdez sa Quezon City Male Dormitory mula pa noong Setyembre kaugnay ng kinakaharap nitong kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y P7.44 bilyong kickback sa mga proyekto ng pamahalaan.
- Latest



















