^

PSN Showbiz

Kabayan Noli, hindi pa retired!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kabayan Noli, hindi pa retired!
Bernadette, Noli, Karen at Alvin
STAR / File

Hindi pa retired si Kabayan Noli de Castro at babalik siya sa TV Patrol kapag tuluyan na siyang gumaling.

Ito ang nilinaw ni ABS-CBN News head Francis Toral sa ABS-CBN Annual Stockhol­ders’ Meeting nitong Aug. 19, kasunod ng mga tanong tungkol sa matagal na pagkawala ng veteran broadcaster sa primetime newscast.

Ayon kay Francis, naka-medical leave pa rin si Kabayan matapos sumailalim sa operasyon noong nakaraang taon. Hinihintay lamang nitong maging fully recovered bago muling humarap sa mga manonood.

Tiyak na magandang balita ito para sa maraming viewers na lumaki sa kanyang pamilyar na pagbati na “Magandang gabi, bayan” at naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Habang nagpapagaling si Kabayan, sina Alvin Elchico, Karen Davila at Bernadette Sembrano ang magkakasamang nag-a-anchor ng TV Patrol araw-araw. Katuwang din nila ang iba pang senior journalists ng ABS-CBN sa mahahalagang balita at special coverages.

Kaya malinaw: hindi pa nagpapaalam si Kabayan sa pagbabalita. Nagpapalakas lamang siya para sa ina­abangang pagbabalik sa TV Patrol.

Last July ay binantayan ang pagbalik ni Kabayan sa TV Patrol matapos hindi sinasadyang sinabi ni Karen Davila na “Sa Monday, exciting ‘yan ha dahil magbabalik si Kabayan.”

Nalaman lang na hindi sinasadya nang sumagot ang co-anchor niyang si Alvin Elchico ng “Wala na, inanunsyo mo na.”

SONA ang Lunes na tinutukoy ni Karen noon pero walang Kabayan na nagpakita that time.

Baka talagang pinaghahandaan ni Kabayan Noli ang pagbabalik niya sa TV Patrol.

NOLI DE CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with