^

PSN Palaro

Nietes puntirya ang korona vs Thai boxer

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Nietes puntirya ang korona vs Thai boxer
Donnie Nietes at Komgrich Nantapech

‘Pinoy pride 40: domination’

 

MANILA, Philippines -  Haharapin ni WBO light flyweight champion  Donnie “Ahas” Nietes si Komgrich Nantapech ng Thailand sa kanyang pagbabalik sa loob ng ring para sa bakanteng trono ng IBF featherweight division na tinawag ng “Pinoy Pride 40: Domination” ngayong Sabado sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

 

Mapapanood naman ito ng Live mula sa pamamagitan ng SkyCable Pay-Per-View sa Sabado. Ang laban ay ipalabas din ngayong Linggo sa ABS-CBN alas-3:30 ng hapon at may primetime telecast sa S+A sa alas-8 ng gabi.

Tangan ang 39-4-1 dala ang 22 KOs, hangad ni Nietes na kunin ang bakanteng IBF featherweight title para sa kanyang koleksyon kabilang na ang WBO Inter-continental featherweight division.

Matapos iwan ang light flyweight division, kilangan niyang manalo upang ma­kamit ang ikatlong korona sa magkahiwalay na division.

Si Nie­tes ang Pinoy na pi­na­­ka­matagal na nagkampeon sa kasaysayan ng boxing.

Bukod pa kay Nie­tes, lalaban din ang kanyang stablemate sa ALA  Boxing gym na si Mark “Magnifico” Magsayo kontra kay Issa Nampepeche ng Tanzania sa undercard ng Pinoy Pride 40: Domination.

Si Magsayo na may hawak na 15-0, 11 KOs record ay ika-16 conten­der sa mundo at number one naman sa bansa.

Kung manalo siya sa 10-round fight siguradong aangat ang kanyang ran­king.

vuukle comment

DONNIE “AHAS” NIETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with