Amo dedo sa suwag ng kalabaw na kinapon
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 56-anyos na magsasaka matapos itong magkagutay-gutay sa suwag ng alagang kalabaw na kanyang ipinakapon sa Barangay Nagbitin, bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya kamakalawa. ?
Kinilala ni P/Chief Insp. John Ricomano, hepe ng Villaverde PNP ang biktima na si Rolly Vicente ng nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na nagtamo ng mga sugat at bali ang biktima nang matagpuan ng kanyang kapatid na nakahilata sa gitna ng bukirin. Ayon kay Ricomano, duguan ang mga sungay ng hayop na nasa tabi ng biktima na animo’y walang malay sa nagawang krimen. Ayon sa hepe, nagmistulang nagkimkim ng sama ng loob ang kalabaw simula nang ipinakapon ito ng biktima dahil tinanggalan ito ng pagkakataon na makatikim ng kasukdulan. Nabatid na ibinenta na ng mga naulila ng biktima ang hayop upang pagbayaran ang nagawang krimen sa kamay ng matador.
- Latest

















