^

PSN Showbiz

Aljur, nagsalita kung ba’t masaya ang pasko

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Aljur, nagsalita kung ba’t masaya ang pasko
Aljur Abrenica.
STAR/ File

Masaya ang magiging Pasko ni Aljur Abrenica. Na lagi naman daw.

“Always naman, masaya ang Pasko. Family, magkakasama. Walang maysakit. At malusog lahat. Nagpapasalamat ako, kasi ‘yung mga pelikula na ginagawa natin ngayon is may kabuluhan sa mga kabataan,” umpisa ni Aljur noong isang araw nung dumalo siya sa red carpet premiere ng pinagbibidahan niyang pelikula na Kappa-Tiran,

“‘Yung pangalawa is for history naman. ­Siyempre, excited ako dahil meron tayong bagong pelikula, The First Defender. Bisaya si Lapu-lapu, so in my respect to his legacy, nag-aral ako ng Bisaya for the film,” dagdag ni Aljur bukod pa nga sa Kappa-Tiran.

Ang Kappa-Tiran ay mag-uumpisang mapanood sa mga sinehan sa Dec. 9.

May social awareness aniya ito: “Recently, alam naman natin ‘yung nangyari, ‘di ba?

“May pumanaw dahil sa mga brotherhood na ganyan. Sa buong buhay ko, andami kong nakikitang ganyan. Andami nang scenario.So right now, it could be a change… to give awareness and wisdom bago talaga tayo sumali,” banggit ng actor tungkol sa pelikula.

At ang target audience nila, mga estudyante. “Estudyante saka mga magulang, hindi lang para sa estudyante, kumbaga ‘yung mga dumaan na rin dito.”

Dagdag niya pa: “Na iyong hustisya, andiyan lang. Ilalaban lang!”

Kasama rin niya sa Kappa-Tiran si Ejay Falcon na isa ngang fraternity hazing movie. “As an actor, sa panahon ko ngayon, parang ‘yung mga project na ginagawa ko is for the people,” sabi pa niya.

“So, this film is an opportunity sa mga kabataan para maging mas aware and magkaroon ng wisdom to really think it through, pag-isipan na maigi, bago mag-decide na sumali sa frat.

“Kasi you can see sa film, parang hindi nila inalam talaga. Parang, ‘Sige na, sasama ako ‘pag sasama siya!’ ‘Yung mga ganu’ng bagay.

“And may mga bagay na hindi inaasahan na nangyayari. So, this film is an awareness para sa mga kabataan bago pumasok sa isang fraternity.”

Maaalalang gumanap sila bilang kambal sa Kapamilya series na Sandugo na ipinalabas noong Setyembre 2019 hanggang Marso 2020.

Pareho rin silang lumabas sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin tho hindi sila nagkaroon ng mga eksena. “Itong pelikulang Kappa-Tiran, I’m very blessed. Kasi, nung nalaman kong si Ejay Falcon iyong nasa pelikula, hindi na ako nagdalawang-isip,”  pag-amin ni Aljur.

“Umoo na ako kahit hindi ko pa alam ‘yung script, hindi ko pa alam ‘yung direktor, hindi ko pa alam ‘yung production.”

Anyway, kasama rin dito sina Sheryl Cruz, Patricia Javier, Julio Diaz, Sam Coloso, at Bembol Roco under the direction of Neal “Buboy” Tan.

May special participation din dito si Vice Mayor Marcos Mamay (na mayor ang ginagampanang papel) at nasa cast din sina Mygz Molino, MJ Macalintal, Marvin Diamante, Darwis Ismaeli, Evander Cañete, Mad Ramos, Emerson Capule, Bernie Batin, Jojo Matias, at Chelsea de Guia.

Ipapalabas daw muna ito sa mga eskwelahan pero hoping ang cast na maipapalabas din ito sa mga sinehan.                                                     

 

ALJUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with