Concert ni Pops, kasado na ang repeat!

Sa loob ng 45 years ay muling pinatunayan ni Pops Fernandez na siya pa rin ang nag-iisang Concert Queen up to this day matapos nitong muling mapuno ang Newport Performing Arts Theater nung nakaraang Nov. 26, 2026 sa Pops concert para sa kanyang ika-45th anniversary and pre-birthday event which Echo Jam Entertainment Production and DSL Production produced.
Kapag nagku-concert si Pops, be ready for a spectacle event hindi lamang through her solo performances and production numbers with her special guests kundi maging sa kanyang mga kasuotan na maituturing ding fashion event na parating nilu-look forward ng audience and her loyal supporters.
At almost 60 (she’ll be 60 on Dec. 12), kayang-kaya pa rin niyang makipagsabayan kahit sa mga bagong henerasyon which she’s able to maintain sa kabila ng maraming taon na niya sa entertainment and concert scene.
She never stops to amaze her audience nga sa kabila ng maraming taon na niya sa industriya.
Ang kanyang duet with Asia’s Songbird Regine Velasquez sa awiting Points of View, (isa sa original hit songs ni Pops at ng OPM Canada-based singer and hitmaker na si Joey Albert) ay isa lamang sa highlights ng concert.
Ibinahagi rin ng dalawang OPM greats ang kanilang pagkakaibigan na nagsimula sa bakuran ng OctoArts International back in the ‘80s along with the other artists including Joey.
Sina Pops at Regine ay unang nagkasama noon sa isang promotional show ng OctoArts sa isang bazaar, ang PHILCITE (now Star City) at doon pa lamang ay sobrang na-impress si Pops sa kakaibang boses ni Regine na naging champion noon sa Bagong Kampeon amateur singing competition on TV hosted by the late Bert Marcelo and Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales. At that time ay isa nang major star si Pops nang magsimula si Regine.
Pops was only 15 nang magsimula sa showbiz habang 12 naman si Regine as Chona Velasquez.
Sa brief na kuwentuhan ng dalawa on stage ay hindi naiwasan ng dalawa na maging emotional.
Nang kausapin ni Pops si Regine sa kanyang special guesting sa kanyang concert ay hindi ito nagdalawang salita gayundin ang iba niyang guests sa concert na sina Vina Morales (na isa ring malapit na kaibigan ni Pops up to this day), Erik Santos, Jay Durias at ang kanyang godmother and second mom na si Helen Gamboa-Sotto na sa edad na 81 ay hindi nag-atubiling pagbigyan ang hiling kanyang mahal na inaanak.
Unknown to many, ang ina ni Pops, ang dating actress na si Dulce Lukban ay kumare at best friend ni Helen kaya parang magkakapatid ang turingan nila ng mga anak ng mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen.
Nasa audience nga pala sina Sen. Tito Sotto at anak nitong Movie and Television Review and Classification Board chair na si Lala Sotto-Antonio na umakyat pa ng stage para abutan ng bulaklak sina Helen at Pops.
Bawat number sa concert ni Pops was special laluna ang surprise number nila ng Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual gayundin din sa kanyang stage loveteam, ang kanyang ex-husband na si Martin Nievera na may kakaiba pa ring spark whenever they’re on stage singing their number/s.
Unknown to many, sina Pops at Piolo ay naging ‘item’ noon pero nanatiling tunay na magkaibigan hanggang ngayon.
May naka-schedule nang repeat ang POPS concert sa January.
- Latest



















