2 drug suspects, timbog sa buy-bust
MANILA, Philippines — Dalawang drug suspects ang inaresto ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat ng Sampaloc Police Station 4 (PS-4) ng Manila Police District (MPD), alas-11:40 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sina “Iking”, 46, “tulak” at alyas “Borgy”, 30, “user”, kapwa residente ng Sampaloc, Maynila sa isinagawang buy-bust operation sa Mindanao St., malapit sa kanto ng Gerardo St., sa Sampaloc.
Kaagad namang inaresto ang mga suspek matapos na mahulihan ng 11 gramo ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P74,800 at tatlong gramo ng kush o hybrid marijuana na may estimated value na P4,200. Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang P500 marked money na ginamit sa operasyon.
Nakapiit na ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest
















