Ano ang epekto ng ‘favoritism’ sa mga anak?
Ang favoritism o pagkiling ng magulang sa isang anak ay maaaring magkaroon nang malalim na epekto sa emosyon, pag-iisip at personalidad ng lahat ng magkakapatid. Hindi lamang ang anak na hindi paborito ang naaapektuhan, kundi maging ang anak na laging pinapaboran. Narito ang ilang epekto nito batay sa sikolohiya:
1. Pagkakaroon nang mababang self-esteem.
Ang anak na palaging napapabayaan o ikinukumpara sa kapatid ay maaaring makaramdam na hindi siya kasinghalaga o kasinggaling ng iba. Unti-unti siyang nawawalan ng tiwala sa sarili.
2. Pagkakaroon ng inggit at selos.
Kapag napapansin ng isang anak na mas maraming atensiyon, regalo at pagmamahal ang ibinibigay sa kapatid, maaaring magkaroon siya ng inggit at sama ng loob.
3. Paglayo ng loob sa mga magulang.
Ang pakiramdam na hindi patas ang pagtrato ay maaaring magtulak sa anak na maging mailap, tahimik at hindi na magbahagi ng problema sa kanyang mga magulang.
4. Pagkakaroon ng kompetisyon sa magkakapatid.
Sa halip na magtulungan, maaaring maging magkakaribal ang magkakapatid. Lagi nilang nararamdaman na kailangan nilang higitan ang isa’t isa upang makuha ang atensiyon at pagmamahal ng magulang.
5. Pagkakaroon ng anxiety at depresyon.
Ang patuloy na pakiramdam na hindi pinahahalagahan ay maaaring magdulot ng matinding lungkot, pag-aalala at emosyonal na stress.
- Latest















