Impeachment kay VP Sara, walang basbas si Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni lead prosecutor Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Batangas, 2nd District Representative na may basbas umano ang palasyo ng Malacañang lalo na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte na nililitis sa Senate impeachment court.
Sinabi ni Luistro na sariling inisyatibo ng Kamara ang impeachment laban kay VP Sara ay alinsunod sa ekslusibong mandato ng mga mambabatas sa Konstitusyon at hindi ito iniimpluwensiyahan ng palasyo.
Binigyang diin ni Luistro na sa ilalim ng Konstitusyon ang kasong impeachment ay ekslusibong kapangyarihan ng Kongreso ang Kamara ang maghahain nito at ang Senado naman ang maglilitis at hahatol laban sa sinumang impeachable na opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Luistro na isang seryosong usapin ng pananagutan sa batas ang impeachment na dapat gumulong ang proseso at timbangin ang mga ebidensya na hindi kailangan na impluwensiyahan ang mga mambabatas.
- Latest















