Babaing may brain aneurysm pinagaling ni St. John Paul II (Part 4)
Habang palabas ng ospital, kasama ang asawa, matapos matanggap ang magandang balita na wala na ang kanyang aneurysm, masayang-masaya si Floribeth Mora Diaz. Hawak niya ang maliit na papel kung saan nakasulat ang resulta ng test.
Nasabi umano ni Floribeth: “Oh, Lord, my God, thank you. With this, I have the proof that I wanted to elevate John Paul II to the altars.”
Makalipas ang ilang buwan, ipinasya niyang isulat ang kanyang testimony kung saan pinagaling siya ng Diyos sa pamamagitan ni St. John Paul II.
Ayon kay Floribeth, gusto niyang mabasa ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng internet na pinaghimalaan siya ni Pope John Paul II.
Hinanap umano niya ang website ng Vatican at nakita niya ang KarolWotyla.org.
Marami raw siyang nakitang testimonya roon nasa libong testimonya. Isinumite niya ang kanyang testimonya.
Pagkatapos daw niyang mai-submit ang testimony, nagtungo siya kinaroroonan nang malaking picture ni St. John Paul II at sinabi rito: “John Paul, it will be God’s will.”
Makalipas ang dalawang buwan, nalaman ni Floribeth na tinanggap ang kanyang testimonya. Nalaman niya ito mula sa parish priest na pinagtanungan nila noon ng kanyang mister kung saan makikita ang relics ni Pope John Paul II. Sa testimonya ni Floribeth na ipinadala sa Vatican, binanggit niya ang pangalan ng pari. Hinanap ng Vatican ang pari na nakausap nina Floribeth.
Nang matagpuan ang pari, ito naman ang naghanap kay Floribeth. Naging mahirap para sa pari ang paghahanap sapagkat napakaraming tao na bumisita noon para makita ang relics ni Pope John Paul.
Hanggang maalala ng pari ang mag-asawang bumisita na may dalang bulaklak. Dahil doon, natagpuan si Floribeth.
(Itutuloy)
- Latest

















