^

Probinsiya

SWAD team pinakilos para sa ayuda ng Mayon evacuees

Ludy Bermudo, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinakilos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng Field Office (FO) 5-Bicol Region, ang kanilang Social Welfare and Development (SWAD) Team upang makipag-ugnayan at tumulong sa paglikas ng mga pamil­yang nakatira sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Mayon matapos ang katamtamang pagsabog ng bulkan nitong Biyernes.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nakikipag-ugnayan na ang naitalagang SWAD Teams sa Bicol upang makipag-ugnayan sa Camalig Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para matulungan sila sa pre-emptive evacua­tion ng mga residente na nasa six-kilometer danger zone.

Sinabi ni Dumlao na nasa 200 pamilya sa Camalig, Albay ang ina­asahang maapektuhan ng paglikas.

“Bilang bahagi ng immediate response operations, ang DSWD Bicol, sa pangunguna ni Regional Director Norman Laurio ay nagsagawa ng ocular inspection at coordination meeting kasama ang Camalig MDRRMO para ma-assess ang readiness at kapasidad ng mga evacuation facilities kung saan pansamantalang manunuluyan ang mga apektadong pamilya,” ani Dumlao.

Nagtayo na rin ang mga disaster team ng 46 modular tents sa Camalig Bungkaras Evacua­tion Center.

May nakaimbak na rin umanong 417,886 family food packs (FFPs), 14,137 na kahon ng ready-to-eat foods (RTEF), 26,462 na non-food items (NFIs), at 126,056 na iba pang non-food items ang DSWD Bicol ngayong araw.

Pagdating sa standby funds, may kabuuang P2.5 milyon ang DSWD FO-5 na maa­aring magamit para sa agarang operasyon sa pagtugon sa kalamidad. Mayroon ding kabuuang 5.194 mil­yong FFPs ang DSWD na nakalaan sa buong bansa.

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with