P4/L rolbak sa gasoline
MANILA, Philippines — Inaasahang magkakaroong muli ng taas-baba sa presyo ang mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon sa isang oil industry source, maaaring magkaroon ng rollback o tapyas na P4.00 hanggang P4.20 sa presyo ng gasolina.
Samantala, posible namang tumaas ang presyo ng diesel ng P0.20 hanggang P0.40 kada litro.
Ang pagtaya ng source ay base sa Mean of Platts Singapore at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na trading days.
Ang pinal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay karaniwang iniaanunsiyo ng Department of Energy (DOE) at mga oil companies sa araw ng Lunes, at ipinaiiral naman kinabukasan, araw ng Martes.
- Latest


















