^

Bansa

Piso, sumadsad sa P63 vs dolyar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Piso, sumadsad sa P63 vs dolyar
A money changer arranges US dollar bills at a currency exchange counter in Manila on October 15, 2026
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Bumagsak ang piso sa bagong record low na P63.15 kontra dolyar sa intraday trading nitong Huwebes, Oktubre 15.

Dati nang nagtala ang piso ng record low na P62.90 kada dolyar noong Oktubre 8.

Ang pagbagsak ng halaga ng piso ay lalo pang magpapamahal sa pagbili ng langis ang paghina ng piso dahil dolyar ang ginagamit sa pagbili ng naturang commodity. 

Inaasahan din itong magpapataas sa inflation.

Sa kabilang banda, maaaring makinabang sa umpisa ang mga pamilya ng mga OFW sa paglakas ng dolyar dahil mas maraming piso ang kanilang matatanggap sa bawat dolyar na ipinapadala. Gayunman, maaaring kainin din ng inflation ang kanilang purchasing power.

Bago ang pag-atake ng Estados Unidos at Israel sa Iran noong katapusan ng Pebrero, sunud-sunod ang pag-angat ng piso at umabot ito sa P57.665 noong Pebrero 27.

DOLYAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with