Viral ‘wacky’ shots ng prosec sa senado, iimbestigahan
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian ang isang opisyal na imbestigasyon upang suriin ang mga viral na larawan at video ng mga miyembro ng House prosecution panel at mga pribadong abogado na nagpo-pose ng “wacky shots” sa loob ng Senate session hall at mga pasilyo nito.
Nangyari ang insidente matapos ang pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kung saan nagsisilbing impeachment court ang session hall ng Senado.
Inatasan ni Gatchalian ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) na busisiin ang mga CCTV footage. Layunin nitong kumpirmahin kung tunay ang mga larawan o kung ang mga ito ba ay edited o gawa lamang ng Artificial Intelligence (AI).
Binigyang-diin ni Gatchalian na sagrado ang session hall ng Senado dahil dito ginagawa ang mga mahahalagang batas ng bansa.
Ayon sa kanya, hindi tama na ginagawa itong katatawanan o laro ng mga bumibisita.
Bukod sa wacky poses, may mga napaulat din na indibidwal na sumasayaw sa hallway, at natutulog sa loob ng kapulungan.
Kung mapatunayang totoo at de-kalidad ang mga kuha, maglalabas ng opisyal na pahayag ang Senado, at pormal na papadalhan ng nakasulat na babala (written warning) ang mga taong sangkot sa viral photos upang paalalahanan sila sa tamang decorum.
- Latest
















