Pasay LGU nagsagawa ng road clearing at clean-up para sa ASEAN Summit
MANILA, Philippines — Inihahanda na ng Pasay City local government ang mga pangunahing kalsada sa nasasakupan para sa ASEAN Summit sa Nobyembre 16-18, 2026.
Nagsasagawa ng road clearing at clean-up operations ang Barangay Road Clearing Operation (BARCO) team ng lungsod sa Roxas Boulevard, Gil Puyat Avenue, Macapagal Boulevard, at Diokno Boulevard upang alisin ang mga ilegal na istraktura at mga nakaharang para panatilihing bukas ang mga daanan ng tao.
Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, layunin ng hakbang na mapanatili ang kaayusan at kalinisan habang naghahanda ang Metro Manila sa pagdating ng mga delegado at bisita.
Tiniyak ni Calixto na magiging kaaya-aya ang mga lugar ng Manila Bay, kung saan matatagpuan ang mga hotel at commercial hub na inaasahang tatanggap sa mga panauhin ng summit.
- Latest




















