4 katao dedo sa Elf truck na nawalan ng control

MANILA, Philippines — Apat katao ang iniulat na nasawi habang marami pa ang nasugatan makaraang maaksidente ang truck na kanilang sinasakyan sa Brgy. Tubod, Silago, Southern Leyte noong Sabado, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang mga nasawi sa mga pangalan lamang nilang “Manny”, 39-anyos ng Abuyog, Leyte; live-in partner nitong si Mary, 25; Sally, 45, barangay official at Charry, 45; pawang ng Brgy. Maitum ng nasabing bayan.
Ang mga nasugatan ay mabilis na isinugod sa Abuyog District Hospital sa Abuyog, Leyte.
Sa report ng Southern Leyte Provincial Police Office, ang apat na biktima ay pawang dead-on-the spot sanhi ng matitinding sugat na tinamo sa katawan.
Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Manny sa minamaneho nitong kulay pulang Isuxu Elf truck habang pababa sa pababang pakurbadang parte ng nasabing highway.
Ang nasabing behikulo ay bumaligtad sa insidente na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima .
Nagresponde ang mga operatiba ng pulisya sa crash site na mabilis na sinaklolohan ang mga sugatang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan.
- Latest


















