PANOORIN: Baste Duterte, walang alam sa GenCorp
MANILA, Philippines — Sinabi ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na umabot sa 19 ang awards na ibinigay ng lungsod sa GenCorp Industries Inc., kumpara sa 15 awards na naunang tinukoy ng isang kinatawan ng PhilGEPS.
Tinanong si Baste tungkol sa kanyang September 21 statement kung saan sinabi niyang ang GenCorp ay “rigorously evaluated” at nakapagsumite ng pinakamababang calculated at responsive bid sa mga food service contracts mula 2022 hanggang 2025.
Nang tanungin kung personal niyang napatunayang natugunan ng GenCorp ang requirement na limang taon nang operational ang line of business nito, sinabi niyang hindi niya alam at kailangang tingnan ang records ng lungsod. Dagdag pa niya, “It is presumed that GenCorp has complied.”
- Latest
























