Excise tax sa LPG sinuspinde ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapataw ng excise tax sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 125, sinuspinde ang excise tax sa naturang mga produktong petrolyo, bagama’t may mga partikular na gamit na hindi saklaw ng kautusan.
Ayon sa kautusan, sinuspinde ang excise tax sa LPG, maliban kung ito ay ginagamit bilang hilaw na materyal sa paggawa ng mga produktong petrochemical o bilang panggatong sa mga sasakyang de motor.
Suspindido rin ang excise tax sa kerosene, maliban kung ginagamit ito bilang aviation fuel o panggatong ng mga sasakyang panghimpapawid.
Inilabas ang EO matapos na sertipikahan ng Department of Energy (DOE) na ang average na presyo ng Dubai crude oil, batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS), sa nakalipas na 30 araw ay umabot sa USD 99.41 kada bariles.
- Latest























