Lola na PWD, sinilaban ang bahay, utas
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 65-anyos na babaeng may kapansanan matapos masunog sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Delantar, Barangay Lutucan Bata, Sariaya, Quezon, kamakalawa ang umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si “Loida,” dalaga at residente sa nasabing lugar.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nag-iisa na lamang umano ang biktima sa kanyang maliit na bahay nang sindihan nito ang apoy ang loob ng kanyang bahay na mabilis kumalat.
Sinikap pa itong hilahin palabas mula sa nasusunog na bahay ng isa niyang kaanak, subalit na hindi na nailigtas dahil sa tindi ng sunog.
Sa ulat ng Sariaya Bureau of Fire Protection (BFP), naapula na ang apoy ng mga residente ng barangay nang dumating ang mga rumespondeng bumbero at tinatayang P40,000 ang halaga ng nasunog na ari-arian. Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.
- Latest



















