^

Punto Mo

Empleyado na mayviolation, puwede bang mag-resign?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May karapatan bang mag-file ng resignation kahit may violation ang empleyado? – Benjie

Dear Benjie,

Ang pagbibitiw o resignation ay ang boluntaryong pag-alis ng empleyado sa trabaho. Dahil boluntaryo, maari niya itong gawin ano man ang kanyang dahilan dahil hindi naman puwede ang involuntary servitude o pagpilit sa sinuman na magtrabaho nang labag sa kalooban.

Puwedeng mag-resign ang isang empleyado kahit na may violation siya sa kompanya basta’t sumunod siya sa terms ng employment contract katulad ng pag-render ng tamang notice period o pagsunod sa kanyang employment bond, bilang mga halimbawa.

Ngunit hindi naman ibig sabihin na nakapag-resign ang empleyado ay ligtas na siya sa mga bunga ng kanyang naging violation sa kompanya. Kahit hindi na siya empleyado, maari pa rin siyang idemanda ng civil o criminal case ng kanyang dating employer kung may sapat na pruweba.

Ang tinatapos lamang ng resignation ay ang employee-employer relationship. Kaila­ngan pa ring panagutan ng nag-resign na empleyado at ng kanyang dating employer ang mga natitirang obligasyon nila sa isa’t isa, kung mayroon man.

BENJIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with