^

PM Sports

Phoenix, SMB magpapakundisyon sa Ilagan City

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapakundisyon ang mga segundang koponan na San Miguel at Phoenix ngayon sa pagpapatuloy ng PBA on Tour sa Capital Arena sa Ilagan City, Isabela.

Magpapangbuno ang Beermen at Fuel Masters sa alas-6 ng gabi para sa ikalawang laro ng PBA on Tour bilang pansaman­talang liga nito habang nakatengga ang PBA Season 50 Governors’ Cup dahil sa 2026 Aichi-Nagoya Asian Games.

All-PBA team ang ipinadala ng Gilas sa Asiad upang depensahan ang trono ng bansa kaya tigil-putukan muna ang 13 koponan sa PBA kabilang na ang guest team na Macau Giant Pandas.

Nauna nang dumayo ang PBA sa San Jose Del Monte, Bulacan kamakalawa tampok ang 109-107 panalo ng Blackwater (3-3 sa Group B) kontra sa NLEX (7-2 sa Group A).

Dahil miyembro ng Gilas sa Asiad ay hindi nakalaro sina Robert Bolick at Sedrick Barefield para sa Road Warriors at Bossing, ayon sa pagkakasunod.

Ngayon para sa Beermen ay hindi rin makakalaro ang 2 Gilas players na sina Don Trollano at Jerrick Ahanmisi.

Sa kabila nito, solido pa rin ang mga bataan ni coach Leo Austria sa bandera ni 9-time PBA MVP June Mar Fajardo kasama sina import George King, CJ Perez, Marcio Lassiter, Jericho Cruz, Mo Tautuaa at Rodney Brondial.

Haharang sa kanilang daan sina BJ Johnson, Jason Perkins, Ken Tuffin, Ricci Rivero, Kai Ballungay at Tyler Tio.

Talk ‘N Text at Rain or Shine ang huling sasabak sa PBA on Tour sa Set­yember 26 sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with