P1.9 milyong sigarilyo sinira, ibinaon sa lupa

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines —– Aabot sa 1.9-milyon halaga ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na isinuko at nakumpiska ng pulisya sa may 27 bayan at limang lungsod ng lalawigan, ang sinira at ibinaon sa lupa ng mga awtoridad, sa loob ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEEPPO) Gymnasium, dito, Biyernes ng umaga.
Pinangunahan ni Nueva Ecija Police Provincial Director Col. Ritchie Claravall kasama ang mga kapwa opisyal, mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbukas sa mga kaha ng sigarilyo. Matapos nito ay inilatag ang hose ng truck ng bumbero at binomba ng tubig ang mga pinaghahating sigarilyo upang masigurong hindi na ito mapapakinabangan.
Sa huli ay mga intern criminology students naman mula sa Araullo Phinma University ang bumida nang isakay nila isa-isa sa mga wheel-borrow ang mga basang sigarilyo saka ibinaon sa lupa.
Ayon kay Claravall, hindi lang kawalan sa koleksyong buwis ng gobyerno ang hatid ng mga ilegal na kontrabandong ito kundi health hazard din ang mga ito sa kalusugan ng mga taong gagamit nito.
- Latest



















