^

Metro

Lalaking gumamit ng iba’t ibang ID sa ayuda, tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 54-anyos na lalaki matapos umanong gumamit ng magkakaibang panga­lan at dokumento sa pagkuha ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Parañaque City.

Sa report na tinanggap ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGen. Christopher Abrahano, nadiskubre ng isang social worker ang hindi tugmang impormasyon sa mga ID, medical certificate at iba pang dokumentong isinumite ng suspek nang mag-aplay ito ng ayuda sa DSWD Baclaran Satellite Office bandang alas-4:20 ng hapon noong Setyembre 9.

Nang beripikahin sa database ng DSWD, lumitaw umano na iba-iba ang pangalan sa mga dokumentong dala ng lalaki. Dahil dito, humingi ng tulong ang social worker sa mga tauhan ng Baclaran Police Sub-Station at dinala sa himpilan ang suspek para sa imbestigasyon.

Inihahanda ang kasong attempted estafa at paglabag sa Article 178 ng Revised Penal Code o paggamit ng kathang pangalan at pagtatago ng tunay na pagkakakilanlan. Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

Ani Abrahano, ang pagkakaaresto ay bahagi ng pinaigting na operasyon laban sa panloloko sa mga programa ng pamahalaan. Aniya, dapat mapunta ang ayuda sa mga tunay na nanga­ngailangan at hindi sa mga gumagamit ng panlilinlang upang makinabang sa mga programa ng gobyerno.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with