DILG: Romualdez, ilipat sa PNP Hospital

MANILA, Philippines — “Ilipat si dating House Speaker Martin Romualdez mula Cardinal Santos Medical Center patungo sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH) sa Camp Crame.”
Ito ang hihilingin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa Sandiganbayan at inihahanda na nila ang mosyon para mailipat si Romualdez sa ilalim ng kustodiya ng pamahalaan, ngunit nasa korte pa rin ang pinal na desisyon kung ito ay papayagan.
Sinabi ni Remulla na patuloy na bibisitahin ng mga doktor ng Philippine National Police (PNP) si Romualdez upang suriin ang kanyang kondisyon at matukoy kung maaari na siyang ilipat o humarap sa Sandiganbayan.
Ibinahagi rin ni Remulla na nakaranas si Romualdez ng transient ischemic attack (TIA) noong Hulyo, ngunit wala umanong nakitang malubhang epekto sa kanyang kalagayan.
Mahigpit naman ang seguridad kay Romualdez habang nasa ospital, kung saan may mga pulis na nakatalaga sa loob at labas ng pasilidad.
Ayon kay Remulla, itinuturing nilang flight risk ang dating mambabatas dahil sa umano’y access nito sa pribadong eroplano at yate.
Si Romualdez ay inaresto nang isilbi ang arrest warrant habang nasa ospital kaugnay ng kasong plunder na naisampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan may kinalaman sa umanoy P7.4 bilyong kickback sa flood control project sa pamahalaan mula taong 2022 hanggang 2025.
- Latest
















