^

Pang Movies

Echonine, proud na proud nang mapanood si Alex

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Echonine, proud na proud nang mapanood si Alex
Janine at Jericho

Kilig at Pinoy pride ang dinala ng celebrity couple na sina Janine Gutierrez at Jericho Rosales sa New York matapos silang mamataan na personal na nagtsi-cheer para sa Pinay tennis superstar na si Alex Eala sa 2026 US Open at the Louis Armstrong Stadium in New York.

Magkasamang nanood ang EchoNine sa laban with former PBA player JC Intal. Kitang-kita ang excitement ng magkasintahan habang sinusubaybayan ang laban.

Sa kanyang Instagram, ipinost ng aktres ang mga ganap nila sa panonood sa laban ni Alex.

Caption niya, “Uuuyyy Philippines!! (Philippine flag emojis) @alex.eala4ever!!!!!!!! Thank you for the happiness and Filipino pride!!!!!”

Si Echo naman ay nagkaroon din ng live update sa kanyang social media ng intense match kung saan ipinahayag niya ang labis na pagmamalaki kay Alex.

Mabilis na nag-viral sa social media ang mga larawan at video ng dalawa. Maraming fans ang natuwa dahil bukod sa pagiging sweet bilang magkasintahan, pareho rin silang mahilig sumuporta sa karangalan ng bansa.

Alex, hindi itinago ang anak

Ilang araw matapos makapanganak, ipinasilip na ni Alex Gonzaga ang first baby nila ng mister na si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada.

Sa kanyang latest Instagram post, nag-face reveal na ang aktres/content creator sa kanilang baby boy.

Makikita sa reel ang pag-aalaga nila ni Mikee kay baby boy Morada pati ang kanyang pagpapa-breastfeed.

At hindi nagdamot ang mag-asawa sa kanilang followers dahil sa dulo ng clip ay ipinakita nila nang buo ang mukha ni baby.

Nakaka-touch ang video dahil kitang-kita sa mukha nila ang labis na kaligayahan bilang new parents. Na habang pinapanood mo ay makakaramdam ka rin ng sincere happiness para sa couple matapos ang napakarami nilang mabigat na pinagdaanan bago naging ganap na mga magulang.

Hindi naman kaila sa lahat na tatlong beses nagkaroon ng miscarriage si Alex and each time, wasak na wasak ang puso nila ng kanyang mister. “Now there are three of us, with our very own little baby boy,” caption ni Alex.

Bumuhos naman ang pagbati ng friends and celebrities sa mag-asawa kabilang na sina Luis Manzano, Jessy Mendiola, Melai Cantiveros, Carla Abellana, Mariel Rodriguez, Maja Salvador, Ryza Cenon, Jolina Magdangal, Iza Calzado, Vina Morales at marami pang iba.

JANINE GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with