Himala: Batang lalaki muling nakakita! (Last part)
HINDI ako nag-aksaya ng panahon at agad na ipinadala ang oil ni St. Charbel sa babae mula sa Malta upang malunasan ang pagkabulag ng anak nitong lalaki. Sabi ng babae, naniniwala raw siyang ang langis ni St. Charbel ang makagagamot sa kanyang anak.
Ipinadala ko ang oil sa pamamagitan ng mail.
Ang problema, aabutin ng anim na linggo bago makarating sa Malta ang oil. Pero itinuloy ko pa rin ang pagpapadala sa kabila na may katagalan ang shipment. Kailangang gawin ko ang lahat nang paraan para matanggap ng babae ang oil ni St. Charbel. Kasama ng oil ang kandila, at dasalan. Matapos kong maipadala, nag-message ako sa babae sa Malta na hintayin niya ang package. Ganun na lamang ang pasasalamat ng babae. Parang nabunutan ng tinik.
Makalipas ang anim na linggo, nag-message sa akin ang babae at sinabing natanggap na ang package.
Agad nagdasal nang taimtim ang babae at pinahiran ng oil ang kanyang anak.
Makalipas ang ilang buwan, nag-message muli ang babae sa akin at sinabing naka-schedule ang eye checkup ng kanyang anak. Hunyo nang isagawa ang checkup sa England.
Makaraan ang eye test, hindi makapaniwala ang doktor sapagkat nagkaroon nang malaking improvement ang eyesight ng bata. Napaiyak sa katuwaan ang ina sa kinalabasan ng pagsusuri.
Sumunod na buwan, sa mismong feast day ni St. Charbel (Hulyo 24), napansin ng ina na nagbago ang kulay ng oil na nasa altar. Naging malinaw ito na parang tubig pero ang texture ay tulad pa rin sa oil.
Isang palatandaan na sinagot ni St. Charbel ang dalangin ng ina para sa lubusang paggaling ng anak.
Sa kasalukuyan, patuloy ang improvement ng eyesight ng bata. Patuloy ang ina sa pagpapahid ng oil sa anak at ang walang tigil na pagdarasal lakip ang paniniwala at pananalig.
- Latest



















