^

PM Sports

June Mar hindi lalaro sa Asian Games

Chris Co - Pang-masa
June Mar hindi lalaro sa Asian Games
June Mar Fajardo

MANILA, Philippines — Hindi maglalaro si June Mar Fajardo sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan sa susunod na buwan.

Ito ang kinumpirma ni Fajardo kung saan huling beses itong maglalaro suot ang Gilas Pilipinas jersey sa dalawang laro ng kanilang tropa sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makakalaban ng Gilas ang Jordan ngayong araw kasunod ang Iran sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Posibleng last two games ko na ‘to sa national team. Matanda na ako. 36 na ako. Sobrang blessed ko nga na nakabalik uli ako. Nung nabalik ‘yung tibia ko, naisip ko nga na hindi na ako makakabalik sa basketball kahit sa PBA,” ani Fajardo.

Sa kabila nito, nais pa ring ipagpatuloy ni Fajardo ang kanyang basketball career sa professional league.

Aminado si Fajardo na ibang lebel na ang pagla­laro sa national team partikular na sa Asian Games.

Nais ni Fajardo na big­yan ng tsansa ang mga batang players na makapag­laro sa Asian-level na torneo.

“Marami namang players sa Asian Games. Ibibigay ko na lang ‘yung spot ko sa iba para naman ma-experience naman nila,” ani Fajardo.

Masaya na si Fajardo na naging bahagi pa ito ng Gilas na nakasungkit ng gintong medaya noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China at makapaglaro sa 2023 FIBA World Cup na ginanap sa Pilipinas.

JUNE MAR FAJARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with