^

PSN Showbiz

Pagkatapos kay Paul... Mikee, ayaw na sa binata!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pagkatapos kay Paul... Mikee, ayaw na sa binata!
Mikee Quintos

Kababalik pa lamang ni Mikee Quintos sa Pilipinas mula sa South Africa.

Para sa aktres ay kakaibang karanasan ang kanyang naging bakas­yon kamakailan. “Always, I learn something new about myself when I travel. Iba rin ang mga natutunan ko sa trip na ‘to. Grabe, ‘yung wildlife. As in being there sa natural habitat ng mga animals. Dati sa TV ko lang napapanood, parang feeling ko dream lahat. I saw... Leopard, Buffalos, Lions, Cheetah. Kapag gano’n pala, titigil kang huminga, stop talaga, quiet ka lang. Ganda talaga, grabe, life, parang sobrang life,” nakangi­ting bungad sa amin ni Mikee sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kapansin-pansin ang maikling buhok ngayon ng Kapuso actress. Ayon kay Mikee ay mayroon siyang espesyal na nararamdaman dahil sa pagbabago ng kanyang hairstyle. “I really do feel like a new person. So maybe I wanted to look like it also. Parang bagong version of me. Like I can feel myself changing from within. Gusto ko lang ding makita ‘yon sa salamin, I guess,” makahulugang pagbabahagi ng dalaga.

Matatandaang nagkahiwalay sina Mikee at Paul Salas ilang buwan na ang nakalilipas. Tumagal ng apat na taon ang relasyon ng dating magka­sintahan. Mayroon na nga bang bagong binatang nagpapatibok sa puso ngayon ng aktres? “Parang ayaw ko na ng binata ha-ha-ha! Ito na lang, one thing I’m sure of now, I came from... very public naman ‘yung relationship. Ang gusto ko ngayon ‘yung sure, ‘yung sigurado na sa gusto niya. Kung sino man siya ngayon. I think that’s what I’m looking for, someone who’s sure,” masayang pahayag ng Kapuso actress.

Wala umanong problema sa dalaga kung sakali mang may bago nang kasintahan si Paul ngayon. “Oo naman, gusto ko siyang maging happy. Kasi nag-usap naman kami. Napag-usapan namin na dalhin namin ‘yung four years namin sa futures namin together na good pa ‘yung memory, huwag bad. So ‘yung lessons namin from each other, i-apply namin sa next. Gano’n ‘yung usapan namin,” giit ni Mikee.

Samantala, nakapagtapos ng kolehiyo si Mikee pagkalipas ng 10 taon. Hindi naging madali para sa dalaga ang kursong Bachelor of Science in Architecture sa University of Santo Tomas. Nakayanang pagsabayin ng aktres ang pagtatrabaho at pag-aaral. Ngayon ay nangangarap si Mikee na magkaroon ng titulo bilang isang arkitekto kaya naghahanda na ring kumuha ng board examination. “Honestly, the process is really long po kasi. It’s like a logbook, finish like an apprenticeship, almost 4,000 hours din. Hindi lang architectural design, engineering, everything.You need to experience that pa. Parang intern work, and now. With the rate I’m going, usually takes two years from a fresh grad to finish those hours para makapag-boards. Feeling ko mga 3 or 4 ako. I’m targeting 3, let’s see. Sana magka­titulo rin ako,” pagdedetalye ng aktres.

Kahit maging isang ganap na arkitekto ay hinding-hindi raw tatalikuran ng Kapuso actress ang show business. “Parang hindi ko kaya, ang bigat ng word na iwan,” pagtatapos ng dalaga. — Reports from JCC

MIKEE QUINTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with