^

Metro

10 sugatan sa karambola ng 5 sasakyan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
10 sugatan sa karambola ng 5 sasakyan
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), pasado alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang aksidente.
Illustrate by John Villamayor

MANILA, Philippines — Sampung katao ang nasugatan nang magkarambola ang limang sasakyan sa Legarda Flyover sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), pasado alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang aksidente. Kabilang sa mga sangkot ang dalawang pampasaherong jeep, isang motorsiklo, isang AUV at isang closed van. Agad namang isinugod at nilapatan ng lunas ang mga biktima.

Batay sa CCTV footage, makikitang binangga ng isang jeep ang motorsiklong sinasakyan ng dalawang indibidwal matapos umano nitong mawalan ng kontrol at preno. Sa lakas ng pagkakabangga, nadamay ang isa pang jeep, habang nasalpok naman ng AUV ang closed van na nasa unahan nito.

Sa imbestigasyon ng Vehicular Traffic Investigation Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), lumitaw na ang unang jeep ang pinaniniwalaang nawalan ng preno at naging sanhi ng sunud-sunod na banggaan. Tumakas naman ang driver nito at posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple damage to property at multiple injuries.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with