^

Police Metro

Babae na 2 beses ikinasal, pinawalang sala sa bigamy

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babaeng nahaharap sa kasong bigamy ang pinawalang sala ng Korte Suprema matapos pagpasyahang maaaring gamiting depensa ang unang kasal na walang-bisa sa simula pa lamang kahit walang pormal na deklarasyon ng nullity mula sa hukuman.

Binaligtad ng SC Third Division ang naunang hatol ng mabababang hukuman laban kay Ma. Fe Imelda Lapira.

Ayon sa SC, napatunayang walang inilabas na marriage license sa unang kasal nito kay Takahiko Sato, dahilan upang mawalan ng bisa ang naturang kasal at mapawalang-sala siya sa bigamy nang muling magpakasal kay Jimmy Fariscal.

Sa desisyon na ­ipinonente ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa,binaligtad ng Supreme Court Third Division ang hatol ng Regional Trial Court (RTC) ng Pampanga at ng Court of Appeals (CA) na nagpahayag na guilty si Lapira sa kasong bigamy dahil sa pagpapakasal kay Fariscal habang kasal pa umano kay Sato, batay sa marriage certificate mula sa Office of the Civil Registrar General.

Sa paglilitis, iginiit ni Lapira na walang bisa ang kanyang kasal kay Sato dahil walang naganap na seremonya ng kasal at walang nailabas na marriage license, na parehong kinakailangan para maging balido ang kasal. Kinumpirma ng Local Civil Registrar na walang record ng aplikasyon para sa marriage license nina Lapira at Sato.

BIGAMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with