^

Police Metro

P18.9 milyong transaksiyon sa joint bank accounts ni Duterte-Sara - AMLC

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Senate impeachment court na may dalawang malalaking transaksiyon na nagkakahalaga ng halos P18.9 milyon sa joint bank account nina Vice President Sara Duterte at ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ika-33 araw ng pag­lilitis sa Senate impeachment, ito ang inihayag ni AMLC Secretary Executive Director Ronel Buenaventura sa kaniyang pagtayo sa witness stand kaugnay ng pagpiprisinta ng prosecution panel sa ‘unexplained wealth ‘ laban kay VP Duterte.

Ayon kay Buenaventura ang Bank of the Philippine Islands (BPI) ay iniulat na noong Abril 8, 2013 ay winitdraw sa joint account ang P9,109,644.80 milyon na may katumbas na fo­reign exchange na nagkakahalaga ng $ 221,322.76.

Inihayag nito na ang base sa rekord ay hindi naman nakalagay kung dolyar o peso ang winidraw base sa report mismo ng bangko.

Tinukoy rin ni Buenaventura na may hiwalay ring transaksiyon sa BPI sa parehong account noong Marso 9, 2011 na nagkakahalaga ng P9,785,744.55 milyon na ang katumbas sa dolyar ay $225,581.94. Inihayag nito na ang transakyon ay na-code bilang debit memo pero hindi madetermina mula sa AMLC recor kung ano ang kahulugan ng nasabing debit memo at ang kabuuang halaga ng dalawang transaksiyon sa peso ay P18,895,389.35 milyon.

Tinutulan naman ng defense panel ang presentasyon ng foreign currency sa impormasyon na iginiit na ang foreign currency deposits ay protektado ng confidential laws.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with