^

Police Metro

Mag-asawa tepok sa kuryente sa Batangas

Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang mag-asawa matapos makuryente habang nag-aayos ng electrical wire sa kanilang piggery sa Sitio Mahabang Parang, Barangay Malaruhatan, Lian, Batangas Biyernes ng umaga.

Ayon sa Lian Municipal Police Station, dakong alas-9:50 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Bandang alas-12:30 ng tanghali ito naiulat sa pulisya matapos makatanggap ng tawag ang duty radio operator mula sa isang staff ng Apacible Memorial District Hospital hinggil sa dalawang biktimang isinugod sa pagamutan.

Batay sa paunang imbestigasyon, nakita umano ni Gerald Mendoza, anak ng mga biktima, ang kanyang ama na si alyas “Clemente,” 60, truck driver, habang nag-aayos ng electrical wire sa kanilang piggery nang aksidenteng madikit ito sa live wire at makuryente.

Sinubukan umanong tulungan ng kanyang asawa na si alyas “Lorena,” 59, isang housewife, ang biktima ngunit nakuryente rin ito.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Lian Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at isinugod ang mag-asawa sa Apacible Memorial District Hospital.

Gayunman, kapwa sila idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Michael Patrick Catapang.

LIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with