^

Punto Mo

EDITORYAL — Buksan din ang sistema ng katiwalian

Pang-masa

SA gulo ng mga pagbawi, paratang, at kontra-paratang ng tinaguriang “maleta boys,” madaling maligaw at matuliro ang publiko.

Apat ang bumawi. May nagsasabing pinapirma raw sila sa mga dokumentong hindi nila ginawa. May isa namang nagsasabing may inalok umanong P20 milyon hanggang P25 milyon para bumaliktad.

Pero sa gitna ng lahat ng iyan, may mas malaking tanong na hindi dapat mawala: ano ang nangyari sa pondo ng flood control?

Hindi dapat maging palabas lang ang kasong ito tungkol sa kung sinong testigo ang nagsisinungaling ngayon, at kung sino ang nagsinungaling noon.

Mahalaga ang kredibilidad ng testigo, oo. Kung gawa-gawa ang salaysay, dapat managot ang nag-utos at nagpakalat.

Kung may nagbayad para bumaliktad, dapat ma­nagot din ang bumili ng katahimikan.

Pero hindi dapat doon matapos ang imbestigasyon.

Ang flood control scandal ay tungkol sa perang dapat­ sana ay napunta sa proteksiyon ng mga komunidad laban sa baha.

Kung may ghost projects, overpriced contracts, kick­backs, o palpak na proyekto, hindi sapat na sabi­hing gumuho ang testimonya ng isang grupo.

Dahil kung puro witness drama ang pagbabatayan, madaling patayin ang isang kaso: bayaran ang testigo, takutin ang testigo, o sirain ang testigo.

Kapag nangyari iyon, ang katotohanan ay nagiging hostage ng kung sino ang mas may pera, impluwensiya, o lakas manakot.

Hindi rin dapat gawing panangga ng sinumang opis­yal ang recantation. Ang pagbawi ng apat ay hindi awto­matikong proof of innocence ng lahat ng pina­ngalanan.

Ganoon din, ang unang affidavit ay hindi awtomati­kong proof of guilt. Ang dapat magpasya ay ebidensiya, hindi ingay o drama.

Kung seryoso ang gobyerno sa paglilinis ng flood control mess, dapat lumampas ito sa press conference at pabagu-bagong salaysay. Ilabas ang audit findings. Ipakita ang proyekto. Pangalanan ang contractors. Kasuhan ang dapat kasuhan.

Huwag hayaang maleta ang maging sentro ng kuwento.

Ang dapat buksan ay hindi lang ang mga maleta, kundi ang buong sistema ng katiwalian. Dito lubos na makikita ang buong katotohanan.

CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with