^

Police Metro

Mag-inang Loren Legarda, Leandro Leviste umalis ng bansa - NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umalis ng bansa sina Senador Loren Legarda at ang kanyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste.

Kinumpirma ito kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nang umalis ang mag-ina sa magkahiwalay na flights patungong Hong Kong.

Aniya, nauna ang pagbiyahe ng mag-ina noong Agosto 2 bago inilabas ang subpoena laban kay Leviste noong Agosto 3.

“Hindi po um-appear [sa subpoena] kasi po nagbiyahe eh. Umalis po. Positive po ’yan, parehas po sila ni Senator Legarda na umalis,” ani Matibag.

Nabatid na unang umalis si Leviste sakay ng Hong Kong Express Flight UO517, na lumipad alas-1:45 ng madaling-araw patungong Hong Kong International Airport.

Si Legarda naman ay umalis alas-10:55 ng gabi, sakay ng Cathay Pacific Flight CX902, na ang destinasyon ay ang Charles de Gaulle International Airport sa France.

Si Leviste ay sinubpoena ng NBI kasama si dating Cong. Jing Paras sa isyu ng “bugaw” laban kay Executive Sec. Ralph Recto.

Kinumpirma naman ni Senador Erwin Tulfo na si Legarda ay naghain ng medical leave.

Ang mag-ina ay ­kapwa iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman sa plunder at grafts kaugnay sa solar projects.

LEANDRO LEVISTE

LOREN LEGARDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with